Skip to main content

Dedikasyon ng mga guro, kuminang; Produksyon ng LAS, sagot na ng Dibisyon ng Sarangani

Nagsimula na ngayong linggo ang pagpapatuloy ng edukasyon sa Dibisyon ng Sarangani.

Matapos ang maikling bakasyon, balik-serbisyo na naman ang kaguruan sa pagbubukas ng ikalawang kwarter.

Si Teacher Annalie Magallanes ng Talus Elementary School sa Malungon, Sarangani Province ay ginamit pati ang ilang araw ng bakasyon upang ihanda ang self-learning modules at learning activity sheets para kanyang mga mag-aaral.

Sa Latian ES school, kasabay ng mga modyul, namimigay rin si Teacher Josenia Cambarijan ng mga pakete ng Milo Energy Drink at school supplies.

Ang mga guro naman sa Kiahe Integrated School sa bayan Malapatan, sinuong muli ang peligrosong paglalakbay upang maihatid ang mga module sa kanilang mga mag-aaral.

Ganuon din ang guro sa Green Valley Integrated School sa bayan Kiamba – balik sa pagtahak sa mapuputik na kalsada upang maipatupad ang school-based feeding program.



Batid ng pamunuan ng Dibisyon ng Sarangani ang mga sakripisyong bahagi na pagsisilbi ng mga guro.

Upang matugunan ang ilang pangangailangan, lalo na sa produksyon ng self-learning modules, sinagot na ng Dibisyon ang pag-hahanda at pag-imprenta ng Learning Activity Sheets.

Dagdag pa ni Gulam, ang LAS ay isang supplemental material na gagamit kasabay ng ibang learning delivery modality.

Maari itong i-pares sa radio-based instruction, online learnig, at maging sa LR on WHEeLS na ngayon ay pinapalaganap na rin sa iba pang mga paaralan katulad ng Algeria National High School, Alegria Elementary School, at Pag-asa Integrated School.

Upang maibsan ang gastos sa produksyon ng LAS, namigay ang DepEd Sarangani ng mga printer para sa lahat ng paaralan.

Isang orientation tungkol sa tamang paggamit at pangangalaga sa mga printer ang isinagawa nitong Miyerkules upang masigurong hindi masasayang ang investment ng Dibisyon para sa mga nasabing printer.

Sagot na rin ng Dibisyon ang pagre-reproduce ng LAS simula sa ikalimang linggo nitong taon.

Ang mga soft copy naman ng LAS ay maaring i-download ng mga guro sa website ng Dibisyon ng Sarangani.

Comments

Popular posts from this blog

DepEd Sarangani launches SMART-ED Initiative

In a move to improve learning delivery in schools in the Philippines, Vice President and Secretary of the Department of Education, Sara Duterte, has emphasized the importance of integrating ICT into the education system in her Basic Education Report on January 30, 2023. Following this call to action, the Sarangani Division has stepped up the implementation of its innovation, LRonWHEeLS, which stands for Learning Resources on WiFi Hub for expanded e-Learning in Sarangani. In a recent consultative meeting and instructional supervision, the Curriculum Implementation Division identified that further strengthening of the ICT infrastructure and development of digital learning materials is necessary to enhance the program's implementation. As a response, the Sarangani Division has launched the SMART-ED Initiative, which aims to improve the quality of education in the region.   “There are many teachers in Sarangani who are employing 21st Century teaching methods. To complement that, we wil...

LIGTAS DAPAT: SCHOOL NURSES SA SARANGANI BUMISITA SA MGA PAARALAN SA UNANG ARAW NG PASUKAN

Sa gitna ng pananabik ng mga kabataan at magulang sa muling pagbubukas ng mga paaralan ngayong unang araw ng SY 2022-2023, paalala ng School Health and Nutrition Section ng DepEd Sarangani na unahin dapat ang kaligtasan ng lahat. Ayon kay Mary Rose Wenna Ea, Nurse II, napag-alaman na sa kanilang paglilibot, may ilang mga mag-aaral na pumasok pa rin kahit mayroong lagnat. Sa entrance pa lamang ay sinusukat na ang temperatura ng lahat na pumapasok sa paaralan at agad na dinadala sa isolation area at pinapasundo sa magulang o guardian. Pinapayuhan naman ang mga magulang na huwag munang hayaang makihalubilo sa iba ang mga batang may lagnat at huwag na munang papasukin sa klase. “Kailangang mapangalagaan natin ang bawat isa -- lalo na ang mga kabataan -- dahil magkakasama na sa isang silid ang mga bakunado at hindi bakunado,” paliwanag ng nars. Dagdag pa niya na mahalagang mapanatili ang maayos na bentilasyon sa mga silid-aralan at kailangan laging nakasuot ng mask. Sa kanilang ...

Marcos appoints key officials to DepEd leadership

President Ferdinand Marcos Jr. has appointed several key figures, including Ronald Mendoza, a former dean of the Ateneo School of Government, and Georgina Yang, former spokesperson for Vice President Leni Robredo, to leadership roles at the Department of Education (DepEd), MalacaƱang announced on Thursday, October 3. Mendoza has been named Undersecretary for Policy and Planning at DepEd. With over 25 years of experience in development policy and public administration, he previously served as Associate Professor of Economics at the Asian Institute of Management and as a senior economist at the United Nations in New York. Mendoza was also appointed to the United Nations Economic and Social Council’s Committee of Experts on Public Administration (CEPA) from 2021 to 2025. Georgina Yang, former executive director of the Galing Pook Foundation and spokesperson for Vice President Robredo, has been appointed Assistant Secretary under the DepEd Office of the Secretary. She also managed the flag...